Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa unang buwan ng 2018

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Enero 2018 kung ikukumpara sa datos na naitala noong Enero 2017.

Batay sa Labor force ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala sa 5.3% ang unemployment rate noong Enero 2018, mas mababa kumpara noong nakalipas na taon na umabot sa 6.6%.

Gayunman, nakapagtala ng mahigit 2% na pagtaas sa under-employment rate ang PSA.

Mula sa 16.3% na underemployent rate noong Enero 2917, nakapagtala na ng 18% ngayong Enero ng kasalukuyang taon.

Maituturing na underemployed ang isang manggagagwa kung nais nitong magkaroon ng dagdag na oras sa kasalukuyang trabaho o gusto niyang magkaroon pa ng karagdagang trabaho.

Pumalo naman sa 94.7 % ang naitalang employment rate ng PSA na mas mataas sa 93.4% noong nakalipas na taon.

 

===========

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *