Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, tumaas – PSA
Tumaas pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Batay ito sa October 2021 labor force survey ng Philippine stastistic authority o PSA.
Ayon kay National statistician USEC Dennis Mapa, umabot na sa 3.5 million ang bilang ng mga walang trabaho noong October 2021 mas mataas kumpara sa 3.07 million noong July 2021.
Bahagyang bumaba naman ang bilang ng mga underemployed sa bansa na naitala sa 7.04 million kumpara sa 8.69 million noong July 2021.
CALABARZON ang may pinakamataas na unemployment rate o walang trabaho na naitala sa 10.3 percent habang ang Cagayan valley naman ang pinaka mababa na umabot sa 3.4 percent.
Sampung rehiyon rin ang nakapagtala ng mataas na unemployment rate kabilang dito ang NCR, CAR, Region 1, 3, 4A, 5, 8, 9, 11 at MIMAROPA.
Kabilang sa mga sektor na nagkarron ng pagbaba sa employment ay ang Education, Financial and Insurance activities; Electricity at Information and Communication.
Bumaba rin ang bilang ng mga may trabaho sa Construction , manufacturing at transportation.
Meanne Corvera