Bilang ng nag-apply sa unang linggo ng Voter’s registration para sa eleksyon sa 2019 sa NCR, umabot sa halos 27,000

Kabuuang 26,856 ang mga nag-apply sa unang linggo ng voter’s registration sa NCR para sa 2019 elections.

Ang nasabing bilang ay para sa registration, transfer, reactivation, correction at reinstatement of records sa list of voters sa Metro Manila.

Ayon sa Comelec, mula July 2 hanggang July 7 ay nakapagtala sila ng mahigit 11 libo na lalaking aplikante at mahigit 15 libo naman na mga babae.

Ang Caloocan City First District ang may pinakamataas na bilang ng aplikasyon na may 1,518.

Sumunod ang Makati Second District na may 1,442 at pangatlo ang Pasay City Second District na may 1,223 na aplikante.

Tatagal ang continuing voters registration hanggang sa September 29, 2018.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *