Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, tumaas
Sa magkakasunod na araw ay nakapagtala ng mataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 ang Isabela, sa nakalipas na isang lingo mula nang umpisahan ang pagbabakuna sa lalawigan.
Narito ang talaan ng mga aktibong kaso sa magkakasunod na araw:
Marso 14 – 51
Marso 15 – 91
Marso 16 – 89
Marso 17 – 92
Marso 18 – 55
Marso 19 – 80
Marso 20 – 42
Marso 21 – 60
Sa pinakahuling tala ng provincial health office, ang mga bagong aktibong kaso ngayong Marso 22 ay 112, habang 43 ang mga bagong gumaling.
Sa kabuuan, ang Isabela ay mayroon nang 898 na active cases.
Ang mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas ay ang Santiago City, Roxas, Cabagan, Sta. Maria, Echague, Cauayan City, Alicia, Luna, Ilagan City, at Quirino.
Ulat ni Cesar Agcanas