Bilang ng namatay sa lindol sa Mexico, umakyat na sa 149
Nahaharap ngayon sa panibagong National Emergency ang Mexico kasunod ng pagtama ng 7.1 magnitude na lindol sa Mexico City at sa mga kalapit na estado ng nasabing bansa na ikinamatay ng 140 na katao.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol 2.8 miles o 4.5 kilometers East-Northeast ng San Juan Raboso at 34.1 miles o 55 kilometers South-Southwest ng Puebla City.
Ayon kay Mexican President Enrique Peña Nieto, 22 mga bangkay ang natagpuan sa debris ng isang elementary school sa Mexico City na gumuho kasunod ng lindol. Sa ngayon pinaghahanap pa ang 30 iba pang mga batang mag-aaral na nawawala.
Naganap ang lindol habang ginugunita ng Mexico ang anibersaryo ng isa ring malakas na lindol na naganap noong 1985.