Bilang ng nasawing sibilyan sa Marawi siege, umakyat na sa 44
Umabot na sa apatnaput apat ang bilang ng mga nasawing sibilyan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Ang paglobo ng bilang ay bunsod ng patuloy na pagkakatuklas ng mga sundalo sa mga labi ng mga sibilyan na pinatay ng Maute terror group.
Sa pinakahuling datos ng Armed Forces of the Philippines umabot naman sa 1,711 na sibilyan na naipit sa bakbakan ang kanilang nailigtas.
Sa ngayon, mayroong mahigit sa tatlongdaang kalaban na ang napatay at pitumput lima (75) naman sa panig ng sundalo.
Patuloy ang isinasagawang clearing operations ng mga militar sa mga lugar na kinubkob ng Maute para maghanap ng mga naipit pang sibilyan.