Bilang ng pamilyang Pilipino na naghihirap, tumaas pa – PSA
Aabot na sa halos 20 milyong Pilipino ang nasa below poverty o pinakamahirap.
Batay sa isinagawang 2021 Nationwide Poverty survey ng Philippine Statistics Authority, tumaas pa ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na mahirap na umabot na sa 18.1%.
Katumbas ito ng 19.99 milyong indibidwal o 3.5 milyong mga pamilya.
Mas mataas ito sa 16.7 percent o 17.67 milyong mahihirap na Pilipino noong 2018 kung kailan huling nagsagawa ng poverty incidence survey ang PSA.
Sinabi ni National Statistician Usec. Dennis Mapa, itinuturing na mahirap ang pamilyang Pilipino kapag ang kinikita ng isang pamilya ay mas mababa pa sa 12 ,030 piso kada buwan na hindi na sumasapat para matugunan ang kanilang basic food at non-food needs.
Ang Basilan, Sulu, Agusan del Sur, Davao Occidental, Saranggani at Zamboanga del Norte ang kabilang sa mga probinsyang naitalang pinakamahihirap na probinsya.
Meanne Corvera