Bilang ng PDLs sa bawat regional prisons ng BuCor, ililimita sa 7,500
Aabot lamang sa hanggang 7,500 persons deprived of liberty (PDLs) ang ipipiit sa bawat regional prison facilities ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Catapang Jr., ang hakbangin na ito na nakapaloob sa modernization at development plan ng kawanihan ay para masolusyunan ang problema ng siksikan sa mga kulungan.
Paliwanag pa ni Catapang, ililimita sa 2,500 ang bilang ng PDLs sa bawat isang security camp na minimum, medium at maximum compound o 7,500 sa bawat regional jails.
Ito ay para rin aniya makasunod ang Pilipinas sa global standard na 2,500 na preso sa bawat kulungan.
Sinabi ng opisyal na mahigit 4% ang itinataas ng bilang ng PDLs sa mga kulungan ng BuCor kada taon.
Sa pinakahuling tala ng BuCor, mahigit 50,000 preso ang nakakulong sa penal colonies nito kasama ang New Bilibid Prisons (NBP) na nasa 29,000 ang PDLs.
Moira Encina