Bilang ng stranded na pasahero dahil sa bagyong Rolly, bumaba na – PCG
Bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa bagyong Rolly.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard, sa kabuuan ay nasa 412 pasahero, truck drivers, at cargo helpers; 3 vessels; 110 motorbancas; at 101 rolling cargoes na lamang ang stranded sa mga rehiyon ng Bicol at NCR.
Habang may 6 vessels naman ang nakashelter sa Bicol bilang pag-iingat.
Sa Bicol region ay nasa 212 pasahero, drivers, at helpers, at 77 rolling cargoes ang stranded, habang may 6 vessels ang naka-shelter.
Sa NCR naman ay may 200 pasahero , drivers, at helpers, 3 vessels, 110 motorbancas at 24 rolling cargoes ang stranded.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring ng kanilang Command Center lalo na sa gitna ng sama ng panahon.
Madz Moratillo