Bilang ng walang trabaho sa bansa, pumalo na sa 3.88 million
Tumaas pa ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho nitong Agosto na pumalo na sa 3.88 million.
Sa Labor Force survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate ay umabot na sa 8.1 percent, mas mataas sa 6.9 percent na datos noong Hulyo na katumbas ng 3.07 million.
Ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, marami ang hindi nakabalik sa trabaho lalo na sa Metro Manila dahil muling nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine dahil sa muling pagtaas ng kaso ng Covid-19.
August 6 nang magpatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Ilan sa mga sektor na nakapagtala ng mataas na bilang ng nawalan ng trabaho ay ang edukasyon at construction.
Meanne Corvera