Bilangan ng mga lumahok sa OAV, inaasahang matatapos ngayong linggo – DFA
Mas maraming Pinoy na nasa ibang bansa ang bomoto ngayong Mayo kumpara sa mga nagdaang eleksyon.
Katunayan sinabi ng Department of Foreign Affairs na umabot 500 hanggang 550 thousand na mga Pinoy ang lumahok sa Overseas Absentee Voting sa may kabuuang 1.6 million na registered voters.
Katumbas ito ng 33 percent na mas mataas kumpara sa 31.45 percent na naitala noong 2016 elections.
Bagamat may mga naitala aniyang glitches sa mga vote counting machine madali itong nasolusyunan dahil may mga ipinadalang technical team ang Comelec.
Sinabi ni Velasco, maaari pa raw tumaas ang bilang na ito dahil patuloy pa ang isinasagawang canvassing.
Inaasahan ng DFA na matatapos ang bilangan ngayong linggo.
Meanne Corvera