Bilateral Defense Guidelines itinatag ng Pilipinas at US
Pinagtibay ng mga defense official ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagtatatag ng bilateral defense guidelines sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang establisyimento ng bilateral defense guidelines ay resulta ng mga naunang pagpupulong nina US Defense Secretary Lloyd Austin III at Philippine Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr.
Layon ng bilateral defense guidelines na i-modernize ang alliance cooperation ng Pilipinas at Amerika para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.
Sa fact sheet na inilabas ng US Defense Department, muling pinagtibay sa guidelines ang suporta ng Amerika sa mga hamong kinakaharap ng Pilipinas.
“The guidelines reaffirm that an armed attack in the Pacific, including anywhere in the South China Sea, on either of their public vessels, aircraft, or armed forces – which includes their Coast Guard – would invoke mutual defense commitments, under Article IV and V of the 1951 U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty.” nakasaad sa nasabing fact sheet.
“Recognizing that threats may arise in several domains – including land, sea, air, space, and cyberspace – and take the form of asymmetric, hybrid, and irregular warfare and gray-zone tactics, the guidelines chart a way forward to build interoperability in both conventional and non-conventional domains,” dagdag na pahayag sa dokumento.
Layunin ng guidelines na patatagin ang combined deterrence ng Pilipinas at Amerika sa mga nagaganap na security environment na kinabibilangan ng mga sumusunod:
► Reaffirm the U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty’s enduring relevance in addressing both current and emerging threats;
► Foster a common understanding of roles, missions, and capabilities within the framework of the alliance to face regional and global security challenges;
► Drive unity of effort across all areas of bilateral security and defense cooperation to sustain focus on principal regional security concerns; and
► Guide priority areas of defense cooperation to address both conventional and non-conventional security challenges of shared concern.
Tinukoy din sa guidelines ang mga pagsisikap na ilalatag para matamo ang layunin ng guidelines gaya ng sumusunod:
► Modernize Defense Capabilities
- Sa pamamagitan ito ng mahigpit na koordinasyon para sa defense modernization ng Pilipinas, at mai-priyoridad ang pagbili ng interoperable platforms mula sa Estados Unidos.
► Deepen interoperabitlity
- Sa ilalim nito ay isasagawa ang mga bilateral exercises, maritime security awareness at kooperasyon sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)
► Enhance Bilateral Planning and Information-Sharing
- Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng coordinated analysis at tabletop exercises, gayundin pagpapahusay sa information security.
► Combat Transnational and Non-Conventional Threats
- Pagbubutihin ang cyber defense at cyber security cooperation, at iba pang capacity-building activities para tugunan ang chemical, biological, at nuclear-related attacks.
► Contribute to Global and Regional Peace and Security
- Pagsusulong sa partisipasyon sa multilateral fora, na nakaangkla sa pagsuporta sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Centrality, at pagpa-priyoridad sa trilateral at iba pang uri ng multilateral cooperation gaya ng oportunidad para sa third-party participation at observation sa bilateral U.S.-Philippine defense activities.
Sa ginawang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos at US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pentagon, kapwa pinuri ng dalawa ang nabuong bagong US-Philippines Bilateral Defense Guidelines na naglalatag sa kanilang pananaw para sa alliance cooperation ng dalawang bansa.
Weng dela Fuente