Bilateral talks nina VP Duterte at US VP Harris tumagal lamang ng labing limang minuto
Nagbigay ng commitment ang Estados Unidos na susuportahan ang Pilipinas at ipagtatanggol sa anumang pwersa na maaaring umatake sa bansa.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang commitment ay ginawa ni US Vice President Kamala Harris sa kabilang bilateral talks na ginawa sa Aguado house malapit sa Malacañang.
Bukod sa isyu ng seguridad, natalakay aniya niya kay Harris ang negatibong epekto ng COVID- 19 pandemic sa edukasyon ng mga kabataan .
Sinusuportahan aniya ni Harris ang hakbang ng Department of Education para sa institutionalization ng blended learning sa Pilipinas.
Natalakay rin aniya nila sa maikling pulong ang mga posibleng training ng dalawang bansa para lumikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Sinabi niya kay Harris na ito ang dahilan kaya ipinatutupad ng gobyerno ang skills training para sa mga Senior High School Learners sa ilalim ng TESDA.
Meanne Corvera