Bill para i-regulate ang pagbebenta ng pagkain sa mga public at private school, ihahain sa Kamara
Nais ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing na i-regulate ang pagbebenta ng pagkain sa mga public at private school paraan para makatiyak na tanging ‘healthy foods’ lamang ang mabibili ng mga estudyante.
Ayon kay Suansing, halos sa paaralan nauubos ang buong araw ng mga estudyante kaya malaki ang pangangailangan na ang food choices nito na mabibili sa mga school canteen ay mabitamina.
Sa inihaing House Bill 5958 o An Act Regulating the Sale of Unhealthy Food and Beverage in all public and private schools in the country” ni Suansing; nais nitong i-regulate ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Education ang pagbebenta ng pagkain lalo na ang mga produktong mataas sa sugar, salt at fat content.