Bill para tanggalin ang exemption at patawan ng 12 percent VAT ang mga socialized housing , wala pang tyansang lumusot sa Senado

 

Wala pang tyansa na  makakalusot sa Senado ang panukalang batas na tanggalin ang exemption at patawan na ng 12 percent na Value Added Tax ang mga socialized housing o murang pabahay.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Comm. on Ways and Means, batay sa ginawang pagdinig ng senado matindi ang problema sa pabahay.

Katunayan, mahigit anim na milyong Pilipino ang walang maayos na pabahay kasama na ang mahigit animnaraang libo na nakatira sa mga itinuturing na estero at danger zone sa Metro Manila.

Pagtiyak ni Angara, dadaan sa butas ng karayom ang panukala dahil magpapalala lang ito sa matinding problema ng pamahalaan sa pagbibigay ng pabahay.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *