Binabantayang LPA, inaasahang papasok sa bansa ngayong araw
Isang low pressure area o LPA ang binabantayan pa rin ng Pag-Asa na nasa labas ng Philippine area of responsibility o PAR.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,105 kilometrong Silangan ng Mindanao.
Inaasahang papasok sa bansa ang nasabing sama ng panahon ngayong araw.
Ayon sa Pag-Asa, maliit pa ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA.
Gayunpaman, ang extension nito ay magdudulot na ng pag-ulan sa Caraga at Davao region.
=============
Please follow and like us: