Binabantayang LPA ng PAGASA palabas na ng PAR
Naging isang tropical depression na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang nasabing LPA ang nagpaulan sa bansa nitong nagdaang linggo.
Ayon sa PAGASA, lumabas na ng bansa ang nasabing LPA bago naging ganap na bagyo.
Patungo na ngayon ng China ang nasabing bagyo.
Sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lamang na may kasamang thunderstorms ang mararanasan sa lalawigan ng Pangasinan at Zambales dahil sa habagat.
Hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan ngayong araw sa Davao at Caraga.
Makararanas naman ng magandang panahon ngayong araw ang buong Visayas.
Habang sa Metro Manila, isolated na pag-ulan lamang at thunderstorms ang iiral.