Binondo-Intramuros Bridge, 92% nang tapos

Photo: File photo / pna.gov.ph

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na ang P3.39-billion Binondo-Intramuros Bridge Project ay 92 porsiyento nang tapos.

Inanunsiyo ni DPWH Acting Secretary Roger Mercado, na ang proyekto ay ang susunod na flagship infrastructure project ng DPWH – Unified Project Management Office (UPMO) Operations, na matatapos na sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni DPWH Undersecretary for UPMO Operations Emil Sadain, na ang pagawain ay maganda ang progreso at umaayon para sa pina-planong pagbubukas nito ngayong taon.

Ayon kay Sadain, na chief implementer ng flagship infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program . . . “At 92 percent, we are rushing to finish the soon-to-be one of newest landmarks in Manila with its iconic basket-handle tied steel arch. By March, the contractor will begin the final retouching of the steel arch bridge and asphalt will be laid on the concrete slab so we are hoping for continued good weather.”

Muling pinaalalahanan ni Sadain ang contractor, ang China Road at Bridge Corporation, sa target opening ng proyekto sa isinagawang inspeksiyon nitong Huwebes kasama si Project Director Benjamin A. Bautista at Project Manager Melchor Kabiling ng DPWH UPMO Roads Management Cluster 1.

Kabilang sa mga pagawain ang pagkumpleto sa up and down ramps sa Binondo at Intramuros. Ang ramps sa Binondo side ay nasa Muelle dela Industria Street para sa up-ramp at Rentas Street at Plaza del Conde Street para naman sa down-ramp.

Ongoing din ang konstruksiyon ng ramps sa Intramuros side, na ang up-ramp ay nasa Riverside Drive at ang down-ramp ay nasa Solana Street.

Aniya . . . “Just like the steel arch main bridge, the girders of the ramps are made of fabricated steel members done internationally in Shanghai delivered in the Philippines in several delayed shipments because of the pandemic.”

Ang proyekto ay pinondohan ng isang government aid grant mula sa People’s Republic of China.

Sa ilalim din ng kaparehong grant, nakumpleto na ng DPWH UPMO noong 2021 ang bagong Estrella – Pantaleon Bridge na kasama sa Metro Manila Logistics Network, na magkokonekta sa mga lungsod ng Mandaluyong at Makati.

Sinusuportahan ng proyekto ang traffic decongestion program ng administrasyon ni pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Please follow and like us: