BIR dumepensa sa hindi pagdalo sa budget deliberation sa Kamara para sa kanilang 2021 budget
Nagpaliwanag si Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa hindi nito pagharap sa budget deliberation para sa panukalang pondo ng BIR sa 2021.
Kasabay nito, sinabi ni Dulay na nagpadala rin sya ng liham kina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Minority Leader Bienvenido Abante sa hindi pagdalo sa budget deliberation.
Ayon kay Dulay, nagpadala sya ng deputy commissioner at 2 assistant commissioners para mag-assist kay sponsor Congressman Horacio Suansing sa pagdepensa sa BIR budget.
Paliwanag ni Dulay ang akala nya ay hindi na kailangan ang kanyang pisikal na presensya sa budget deliberation.
Pero nagkamali aniya sya dahil hinanap ang kanyang presensya sa plenaryo.
Una rito, nadefer ang budget deliberation para sa 2021 proposed. budget ng BIR dahil wala si Dulay.
Iginiit ni Abante na humingi ng paumanhin si Dulay sa Kongreso sa hindi nito pagdalo sa hearing.
Madz Moratillo