BIR pinagkalooban ng Technical assistance grant ng US para mapaunlad ang Digital Infrastructure ng ahensya
Ginawaran ng US Trade and Development Agency (USTDA) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng grant para sa technical assistance upang ma-upgrade ang digital infrastructure at mapaunlad ang serbisyo nito sa mga Pilipino.
Ayon kay USTDA Acting Director Enoh Ebong, ang kanilang technical assistance ay lilikha ng digital strategy roadmap, workforce development plan at implementation plan para sa in-house data center para mapagbuti ang e-filing at e-payment systems ng BIR.
Sa pamamagitan anya ng pagbuo ng platform para sa mas efficient at transparent na revenue collection ay mapagbubuti ang tax reform at ang long-term digital transformation efforts ng Pilipinas.
Lumagda sa grant agreement sina Finance Secretary Carlos Dominguez at U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Caesar Dulay na ang suporta ng USTDA ay mahalaga lalo na sa ginagawang review at assessment ng BIR sa ICT infrastructure nito, at makatutulong para mapataas nito ang revenue collection ng gobyerno.
Moira Encina