BIR tiniyak na magiging agresibo sa paghabol sa big-time tax evaders
Masusundan pa ang inihaing P1.2 bilyong halaga ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa limang illegal vape traders.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na magiging agresibo at aktibo ang kawanihan sa paghabol at pagtunton lalo na sa big-time na smugglers at illegal traders.
Aniya, seryoso ang kawanihan sa kampanya nito laban sa malalaking tax evaders kaya asahan na may susunod pa silang kakasuhan sa DOJ.
Ayon kay Lumagui, ang layunin ng pagsasampa nila ng reklamo ay para masiguro na masunod ng mga negosyante ang pagbabayad ng buwis at hindi lamang para may maipakulong.
Sa ganitong paraan aniya ay makakamit ng BIR ang target na tax collection nito.
Moira Encina