Bitcoin, sumampa sa higit $50,000
HONG KONG, China (AFP) – Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan, umakyat sa higit $50,000 ang Bitcoin makaraang magbalikan sa cryptocurrency ang investors.
Ang unit ay umakyat ng mga 2% sa $50,249.15 ang pinakamataas mula nang kalagitnaan ng Mayo, nang magsimula itong bumagsak dahil sa ilang mga isyu kabilang na ang crackdown ng China sa cryptocurrency, at desisyon ni Tesla boss Elon Musk na itigil na ang pagtanggap ng Bitcoins bunsod ng pag-aalala sa epekto ng pagmimina sa kapaligiran.
Sa ngayon ay umakyat na ito sa higit 70% mula sa anim na buwang pagbaba na mas mababa sa $29,000 noong June, at may mga espekulasyon na maaaring magsimula na itong tumaas pa ng hanggang $100,000.
Ayon kay Rick Bensignor ng Bensignor Investment Strategies . . . “It was getting nearer the higher end of what I expect as a new trading range in the low $49,000s to low $50,000s.”
Gayunman, malayo pa ang Bitcoin sa record na naabot nito noong Abril, na mababa lang ng kaunti sa $65,000.
Agence France-Presse