Biyahe ng barko sa Bicol, sinuspinde dahil sa TD ‘Amang’
Pansamantalang sinuspinde ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan ng Bicol region dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Depression ‘Amang’.
Sa abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), kabilang sa sinuspinde ang biyahe sa mga pantalan ng Legazpi, Tobaco at Pio Duran sa Albay.
Hindi rin papayagang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa Port of Pasacao, Camarines Sur, Port Virac at San Andres sa Catanduanes, at Port of Bulan at Matnog sa Sorsogon.
Pinayuhan ng PPA sa mga apektadong pasahero na manatiling nakatutok sa balita para sa lagay ng panahon at makipag-ugnayan sa mga shipping lines para sa karagdagang detalye.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1 ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon.
Madelyn Moratillo