Biyahe ng Cebu Pacific paalis at papunta sa Caticlan, Aklan kinansela na dahil sa pagpapasara ng Boracay

Kinansela na ng Cebu Pacific ang 19 na arawang biyahe nito sa Caticlan at Kalibo sa Aklan dahil sa desisyon ng pamahalaan na pansamantalang ipasara ang Boracay island.

Epektibo na ito mula April 26 hanggang October 25, 2018.

Apektado nito ang arawang biyahe na Manila patungong Caticlan at pabalik ng Manila, Cebu-Caticlan-Cebu, Caticlan-Clark-Caticlan, Manila-Kalibo-Manila, Manila-Kalibo, Kalibo to Cebu, Cebu-Kalibo-Cebu, Clark to Kalibo at pabalik ng Clark.

Kanselado rin ang flights mula Kalibo patungong Incheon sa South Korea at pabalik ng Kalibo sa Aklan.

Ang mga apektadong pasahero, maaring makapag- avail ng full refund ng kanilang ticket.

Maari ring ipa-rebook pero depende sa Seat availability o kaya’y ipa-reroute sa iba pang Domestic destination pero depende rin sa availability.

Pero paglilinaw ng kumpanya, maari pa rin nilang serbisyuhan ang mga apektadong residente at mga negosyante sa Panay island dahil naglaan sila ng tig-iisang flights mula Manila to Kalibo tuwing 12:00 ng tanghali, Kalibo to Manila 2:00 ng hapon, Manila to Caticlan 3:35 pm, Caticlan to Manila 8:25 pm, Cebu patungong Caticlan 6:55 pm araw araw.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *