Biyahe ng eroplano ng British airways, naantala dahil sa surot

 

Humingi ng paumanhin ang management ng British airways sa pamilya ni Heather Szilagyi, matapos kagatin ng surot ang kaniyang pitong taong gulang na anak na si Molly at kaniyang fiance na si Eric Neilson habang sila ay nagbibiyahe mula Canada patungong Slovakia.

Naantala ang biyahe ng eroplano ng nasabing paliparan dahil sa nakitang mga surot na gumagapang sa passenger seats.

Nanatili muna sa heathrow airport sa London ang eroplano dahil sa natuklasang surot .

Sa statement ng pamunuan ng British airways, sinabing mahalaga sa kanila ang “comfort” ng mga pasahero kaya nang matuklasan ang insidente na maituturing namang “very rare”, agad na iniutos na huwag munang gamitin ang eroplano at isailalim ito sa treatment.

Magugunitang noong Oktubre 2017, isang pamilya mula Canada ang nagreklamo dahil sa natamo nilang kagat ng surot matapos ang siyam na oras na biyahe mula British Columbia patungong Britanya sakay ng eroplanong pag-aari ng nasabing airline.

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *