Biyahe ng MRT-3, mas mabilis na ngayon – DOTr
Asahan na ng mga pasahero ng Metro Rail Transit-3 ( MRT-3 ) ang mas mabilis na biyahe at mas maigsing waiting time ng train arrivals.
Ayon sa inilabas na statement ng MRT-3, mula sa 30 kph speed, ginawa nang 40 kph ang bilis ng biyahe ng mga tren. Ito ay kasunod ng isinagawang rehabilitasyon sa mga riles ng MRT.
Sinabi pa ng MRT na sa Nobyembre ay magiging 50-kph ang train speed at sa Disyembre ay gagawin na nilang 60-kph.
Mula naman sa average headway na 8.5 to 9 minutes sa dalawampung tren, magiging 6.5 to 7 minutes na lamang.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na naisagawa ang pagpapalit sa mga luma at sirang riles nang ipinatupad ang strict community quarantine level sa Metro Manila alinsunod na rin sa pagpapatibay ng IATF “ noong mga nakaraang buwan, naiayos natin ang mga bagon, ang mga aircon, maging ang mga elevator at escalator. Noong isang Linggo, nagawa nating magpatakbo ng record-breaking number of trains sa MRT-3, patunay lamang ‘yan na may COVID o wala, tuloy ang trabaho ng DOTr at ng MRT-3 ” ani Tugade.