Biyahe ng MRT, LRT babawasan, PNR tigil muna ng operasyon
Babawasan pa ng Department of Transportation (DOTr) simula Lunes, Abril 5, 2021 ang mga bumibiyaheng tren sa Metro Manila habang patuloy ang isinasagawang COVID-19 testing sa mga tauhan ng railway sector.
.“We should not compromise the health, safety, and security of the traveling public and our working people. That is a non-negotiable position,” pahayag ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade.
Ayon sa management ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), nasa 10 hanggang 12 tren na lamang ng MRT3 ang bibiyahe simula Lunes.
Bukod pa dito ang limitadong bilang ng pasaherong maaaring sumakay sa tren dahil sa ipinatutupad na minimum heealth protocols.
Limitado na lamang sa 372 passengers ang maaaring sumakay sa bawat tren, katumbas ng 124 passengers sa bawat bagon.
Pinapayuhan ang mga apektadong commuter ng MRT-3 na sumakay na muna sa mga pampasaherong bus na bumibiyahe sa ruta ng EDSA Carousel route.
Ang mga bus na ito ay maaaring masakyan mula sa mga sumusunod na MRT-3 stations: North Avenue, Quezon Avenue, GMA Kamuning, Santolan, Ortigas at Guadalupe.
Samantala, limang tren na lamang ang bibiyahe sa LRT line 2, at ang mga apektadong pasahero ay seserbisyuhan naman ng mga bus na bumibiyahe sa routes 9 at 10.
Sa LRT line 1 naman ay limitado na lamang sa 17 tren ang bibiyahe at ang mga apektadong pasahero ay maaaring sumakay sa mga bus na bumibiyahe sa Route 17 (Monumento-EDSA).
Samantala, titigil muna sa pagbiyahe ang mga tren Philippine National Railways (PNR) simula Lunes hanggang Huwebes, April 8, 2020.
Ang balik na ng operasyon ng PNR ay sa Biyernes, April 9 2021,
Nasa 10 hanggang 12 tren ang patatakbuhin ng PNR na mas marami bago ang ECQ na nasa 6 hanggang 10 trains lamang.
Nagpapaalala rin ang DOTr sa mga pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan na mahigpit na ipatutupad ang health protocols kabilang na ang tinaguriang “Seven Commandments.”:
1) Wear face masks and face shields;
2) No talking and making telephone calls;
3) No eating;
4) Keep PUVs well-ventilated;
5) Conduct of frequent disinfection;
6) No passengers with COVID-19 symptoms are to be allowed inside the public transportation; and
7) Observe appropriate physical distancing rule.