Biyahe ni Pangulong Duterte sa Israel at Jordan, may magandang idudulot sa Pilipinas – Malakanyang
Ilang mga agreement ang nakatakdang pagkasunduan ng pamahalaang Pilipinas at ng gobyerno ng Israel ganundin ng Jordan kaugnay ng nakatakdang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na September 2 hanggang September 5.
Sa pre -departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary Ernesto Abella na kabilang sa mga nakatakdang pirmahang kasunduan sa biyahe ng Presidente sa Israel ay may kinalaman sa labor agreement, science and agriculture, investment at 2 way trade expansion.
Inaasahang mabubuksan din ang usapin sa biyahe ng Pangulo sa Israel ang tungkol sa labis na paniningil ng fee sa mga Pinoy na patungo sa nasabing bansa.
Sa kabilang dako’y kabilang naman ang kapakanan ng mga domestic helpers sa Jordan sa mga Memorandum of Understanding na lalagdaan sa pagityan ng Pilipinas at ng Jordan.
Hindi rin mawawala ang Defense cooperation gayundin ang MOU sa 2 way trade and investment ng dalawang bansa.
Ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel at Jordan ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na may sitting President na bibisita sa Israel at Jordan.
Ulat ni Vic Somintac