BJMP-Misamis Oriental, tiniyak na ligtas sa mga sakit sa balat at anumang karamdaman ang kanilang mga inmates
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Misamis Oriental na malinis at ligtas sa anumang sakit ang kanilang mga inmates lalu na ngayong matindi ang init ng panahon.
Ayon kay BJMP Asst. Warden Maricris Mulat, pinapayuhan nila palagi ang mga inmates na maligo araw-araw at sumangguni sa kanila sakaling may hindi magandang nararamdaman sa katawan.
In-adjust rin nila ang oras ng paglabas at pagpasok sa selda ng mga inmates upang hindi naman sila mababad sa sikat ng araw na maging dahilan ng pagkakaroon nila ng sakit sa balat.
Wala rin aniyang nagkakasakit sa balat sa kanilang mga inmates dahil malakas ang suplay ng tubig sa kanilang lugar.
“Palagi naming ina-assure na dapat laging malinis sa katawan. Ang pinaka-importante sa amin ay ang suplay ng tubig. kagandahan dito, yung Cagayan de Oro city water district ay nasa harapan lang ng aming piitan kaya madali namin silang malapitan in case may mga problema”.- Maricris Mulat, BJMP Asst. Warden