Black Eagles Airshow 2022, ginanap sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga
Tumagal ng halos isang oras ang isinagawang Aerobatic Show ng sikat na Black Eagles ng ROKAF o Republic of Korea Air Force. Kilala ang Black Eagles sa buong mundo dahil nakapagsagawa na ng mga airshow sa iba’t ibang mga bansa tulad sa United Kingdom, Poland, at Egypt.
Nasa Pilipinas na ang grupo simula pa noong August 13 para sa rehearsal ng kanilang performance.
Kasama ang apat na miyembro ng Philippine Air Force, nagpakitang gilas sa himpapawid ang Black Eagles sa kanilang pambihirang air stunts. Gamit ng aerobatic team ang T-50B Golden Eagle Supersonic Aircraft.
Dumalo sa airshow sina Senador Mark Villar, Philippine Air Force Spokesperson Colonel. Meynard Mariano, Korea Aerospace Industries Vice President Lee Bong Keun, at Squadron Commander Kyuyong Shim.
Ang Airshow ay kaugnay ng paggunita sa Diamond year o 75th Anniversary ng Philippine Air Force.
Ayon kay Lieutenant Colonel Mariano, malaking karangalan para sa PAF na mapaunlakan ang kanilang imbitasyon na makapag-perform ang Black Eagles, para sa lalong mabuting ugnayan ng Pilipinas at ng South Korea.
Barbra Mañalac