Black Pancit, gusto mo?

Hello mga kapitbahay!

Mahilig ba kayo sa pancit? 

Ito ang laging presente sa mga handaan, right?

Pero, nakatikim na ba kayo ng black pansit? 

O siya, ito ang itinanong at ibinahagi sa atin ni Chef Rico Echavarria nang mag guest sa Kapitbahay program.

Ang sabi niya ang black pancit ay nagmula sa bayan ng cavite kung saan ito ay popular. 

Actually, iba- ibang pancit ang niluluto sa cavite at isa na nga dito ang pancit pusit o tinta ng pusit sa pansit .  

Madali lang anyang gawin, itatabi ang tinta ng pusit. 

courtesy of shutterstock.com

Maggisa ng sibuyas at bawang, pagkagisa, ilagay ang bihon ang tinta ng pusit  para mag-itim ang kulay.

Timplahan at ilagay na rin ang iba pang sangkap .

May kamalahalan  nga lang ang tinta ng pusit, pero sulit at malinamnam ang lasa.  

May nabibiling tinta ng pusit  sa cubao sabi ni Chef Rico.

Ang presyo ay nasa 350 pesos na puwede na sa isang kilong pancit bihon.

Talagang may kamahalan pero, kung gusto naman nating maging kakaiba ang ating pancit  at siyempre kung may budget tayo, bakit hindi natin subukang iluto ang black pancit .

Alam po ba ninyo na limang kilong pusit ang kailangan para makakuha ng halos 50 ml ng tinta ng pusit? 

Kaya ganoon na lang siya kamahal.

Kaya nga ‘yung paella ala  negra ay mahal din dahil ginagamitan ng tinta ng pusit.  

Pero, kapag natikman, manyaman sabi nga ng mga kapampangan.

courtesy of istockphoto.com

Siyanga pala, may naibida sa atin si Cherf Rico na ginagawa niya ngayon ay ang blue at pink pancit naman.

Naisipan niya itong idebelop nang magpunta siya ng Baguio City .

Naging pink ang kulay ng pancit dahil ginamitan niya ng purple cabbage na may lemon habang blue pancit naman nang hindi hinahaluan ng kalamansi  or lemon.

Parehong masasabing vegetarian pancit dahil puro gulay lang talaga ang sangkap  at Japanese soy sauce at mas mainam na gamitin. 

Less sodium at ang gamit ay vegetable stock.

Now, alam n’yo na ang black, pink, and blue pancit.

Thanks Chef Rico, until next time mga kapitbahay!

Please follow and like us: