Black Panther TV series, binubuo na ng Disney+
LOS ANGELES, United States (Agence France-Presse) – Binubuo na ng Disney ang isang “Black Panther” television series, na ang setting ay ang fictional African kingdom ng Wakanda, bilang bahagi ng isang malaki at bagong five-year content deal sa direktor na si Ryan Coogler.
Ang Global smash hit film na “Black Panther” na kinatatampukan ng namayapa nang aktor na si Chadwick Boseman, ay kinagiliwan ng mga kritiko at manonood, at naging unang comic book movie na na-nominate para sa best picture sa Oscars, at kumita ng higit sa isang bilyong dolyar sa buong mundo.
Kinilala rin ito bilang isang malaking hakbang para sa representasyon ng African American sa Hollywood, kung saan nakararami ang black actors at actresses sa cast.
Sinabi ng Disney executive chairman na si Bob Iger, na si Ryan Coogler ay isang singular storyteller na ang pananaw ay naging daan para siya ay maging isa sa nangingibabaw na filmmaker ng kaniyang henerasyon.
Ang Proximity company ni Coogler, ay bubuo ng malawak at iba’t-ibang mga proyekto para sa streaming service na Disney+ at iba pang branches ng Mouse House studio.
Ang wala pang pamagat na Wakanda series, ang pinakabago sa napakaraming Disney+ television shows na ang setting ay ang mundo ng record-grossing Marvel superhero films.
Sa isang investor presentation noong Disyembre ng nakaraang taon, inanunsyo ng Disney na mayroong halos sampung Marvel series na ipalalabas sa streaming service sa susunod na ilang taon.
Ilan dito ay kinabibilangan ng “Secret Invasion” na pangungunahan ni Samuel L Jackson, “If Beale Street Could Talk” ng aktres na si Dominique Thorne sa “Ironheart,” at Don Cheadle para sa “Armor Wars.”
Sa loob ng halos dalawang taon, dahil sa mga delay sanhi ng pandemya, ang “WandaVision,” na unang bagong release sa Marvel franchise “universe” ay kasalukuyan nang mapapanood sa Disney+.
Samantala, sinabi ng kompanya na ang lead role ni Boseman sa “Black Panther” ay hindi ire-recast, sa gagawing sequel film kasunod ng pagkamatay nito noong Agosto ng nakalipas na taon dahil sa colon cancer.
Ayon kay Marvel Studios president Kevin Feige . . . “His portrayal of T’Challa the Black Panther is iconic and transcends any iteration of the character in any other medium from Marvel’s past — and it’s for that reason that we will not recast the character.”
Liza Flores