Blake Lively, Ryan Reynolds, Regina King, Lin-Manuel Miranda, host ng 2022 Met Gala
Magiging host ng 2022 Met Gala ang celebrity couple na si Blake Lively at Ryan Reynolds, kasama nina Regina King at Lin-Manuel Miranda.
Ang taunang event ay idaraos sa May 2 sa Metropolitan Museum of Art sa New York.
Makakasama ni Lively, Reynolds, King at Miranda ang fashion designer na si Tom Ford, Instagram head Adam Mosseri at Vogue editor-in-chief na si Anna Wintour, na magbabalik bilang honorary co-chairs.
Ang tema sa taong ito ay Part Two of “In America.” Sinabi ng Harper’s Bazaar na asahan nang ang magiging kasuotan ng mga dadalo ay inspired ng “Gilded Glamour.”
Ang 2022 Met Gala ay kasabay ng pagbubukas ng “In America: An Anthology of Fashion” exhibit sa Metropolitan Museum of Art sa May 5.
Ang Part One ay ginanap noong September, at inspired naman ito ng “In America: A Lexicon of Fashion” exhibit.
Hindi dumalo si Lively sa 2021 event. Ang aktres ay kilala sa pagganap bilang si Serena van der Woodsen sa seryeng Gossip Girl at bibida sa gagawing adaptation ng Lady Killer.