Bleeding Gums
Ang bleeding gums ay senyales na inaatake (under attack) na ng bakterya ang ating gilagid. Ang pinagmumulan nito ay maaring may kakulangan sa tamang kalinisan (oral hygiene) o kakulangan sa tamang nutrition sa pagkain o tubig na nagsisilbing tagahugas ng bibig natin.
Ngayong panahon ng pandemyang covid ay napakahalaga na mapanatili ang kalusugan ng bibig para maiwasan ang covid dahilang kalusugan ng bibig ay makatutulong upang manatiling malakas ang ating kalusugan.
Ano-ano nga ba ang mga senyales na may problema sa kalusugan ang ating bibig para ito ay maagapan:
Una, sa tuwing nagsisipilyo tayo ay laging may bahid o kasamang dugo. Pangalawa, kapag nagdental floss o nilinis ang pagitan ng ngipin ay nagdurugo o may bahid ng dugo. Pangatlo, kapag kumakain dumudugo ang gilagid o dumidikit ang dugo sa kinakain tulad ng tinapay at prutas halimbawa mansanas.
Dapat nating malaman at matutunan na pagdating sa usapang kalusugan ng bibig na ang malusog na gilagid ay hindi dapat nagdurugo, sabi nga “healthy gums don’t bleed”.
Kung nararanasan man ng isang bata o matanda ang padurugo tuwing magsisipilyo ay ‘wag nating ibabalewala o iwasan dahil ito ay warning sign o babala na may problema na ang gilagid natin. Kalaunan, ito ay lalala at magdudulot ng pamamaga ng gilagid at pag-uga ng ngipin na kahit ang pagpunta sa dentista ay wala ng magagawa dahil sobra nang malala.
Kaya huling paalala, pag may bleeding gums kayo, ito ang unang senyales o warning sign na di dapat balewalain para ang kalusugan ng bibig ay laging nasa ayos.
Always remember, proper nutrition, proper oral hygiene, and proper mouth protection can keep Covid virus away.