Block grant sa Bangsamoro Government, aprubado na ng Bicam

Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang taunnag block grant para sa bangsamoro government.

Sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri, chairman ng senate panel, ang block grant ay tulad ng internal revenue allotment na inilalaan sa local government taon-taon.

Hindi aniya ito dapat bumaba sa 5 percent ng national internal revenue collextion ng bureau of internal revenue at bureau pf customs.

Sa ilalim ng bangsamoro government, ang parliament ang naatasang mag craft ng budget taon taon.

Pero bilang bahagi ng transparency, kailangang isumite sa pagsusuri ng Commission on Audit o Department of Finance ang pagkakagastusan ng pondo.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *