Blood Diseases month, ipinagdiriwang…Mga uri ng sakit sa dugo hindi dapat balewalain – ayon sa mga eksperto.
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang Blood Diseases month, alinsunod sa Proclamation No. 1833 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Hulyo 6, 2009.
Ayon sa naturang proklamasyon, ang sakit sa dugo ay may kaugnayan sa Nutrition at Environmental condition.
Tumataas ang bilang ng mga dinadapuan ng iba’t- ibang uri ng sakit sa dugo na nakaaapekto sa buhay at pamumuhay ng mga Filipino.
Hematologist ang mga gumagamot sa mga pasyenteng may blood disorder.
Sinabi ni Dr. Rosalio Torres, Presidente ng Philippine College of Hematology and Transfusion medicine o PCHTM na isa sa karaniwang sakit sa dugo na dumadapo sa tao ay leukemia.
Ayon pa kay Dr. Torres, ilan pa sa sakit sa dugo na karaniwang dumadapo sa tao at hindi dapat balewalain ay anemia, lymphoma, at hemophilia.
Payo ni Dr. Torres, mainam na nagpapasuri sa isang hematologist minsan sa isang taong upang malaman ang kundisyon ng dugo.
Ulat ni Belle Surara