Blood Donation, isinagawa sa Malabon City; PNP, AFP personnel, kabilang sa donors
Nagsagawa ng blood donation activity sa Brgy. Catmon, Malabon nitong weekend sa pangunguna ng Malabon government at Dugong Alay Dugtong Buhay Honorary Members.
Ayon kay Akok Tan, Dugong Alay, Dugtong Buhay honorary member, layunin ng aktibidad na makakolekta ng maraming dugo para mabigyan ng libreng dugo ang mga nangangailangan nito.
“ napakahalaga na paigtingin ang ganitong aktibidad. Sabi ni Tan, ang isang tao na malubhang tinamaan ng COVID-19 ay posibleng mamatay pero bibilang muna ng labing-apat na araw (14) o higit pa bago mabawian ng buhay nguni’t ang isang pasyente aniya na naubusan o nawalan ng dugo at hindi nasalinan ay posibleng mamatay sa loob lamang ng ilang minuto. “ ani Tan.
Samantala, nasa mahigit limang daan (500) katao ang nakipagkaisa na kinabibilangan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed forces of thePhilippines (AFP), Rescue Volunteers at mga residente ng Lungsod ng Malabon.
Ito ay bilang pagtugon din ng PNP at AFP sa panawagan ng Malabon Lokal Government Unit (LGU) kaya maraming pulis at sundalo ang nakapag-donate ng kanilang dugo.
Laking pasasalamat naman ng organizers sa lahat ng sumuporta para magtagumpay ang aktibidad.
Mark Leo Pernia