Blood letting activity ng Pangasinan Police Provincial Office, naging matagumpay
Naging matagumpay ang blood letting activity na pinangunahan ng Pangasinan Police Provincial Office, kasama ang Dugong Alay Dugtong Buhay Inc., Region I medical Center at Laoac LGU na ginanap sa Laoac Munipal Plaza sa Pangasinan.
May kabuuang 90, 450 cc ng dugo ang nalikom mula sa 382 blood donors na PNP personnel at civilians na nakipagkaisa sa nasabing aktibidad.
Ang mga nalikom na dugo ay nakatakdang i-imbak sa Region I Medical Center, at inaasahang makatutulong partikular sa mga residenbte ng Laoac Pangasinan, at sa lahat ng mga pangasinense na maaaring mangailangan ng serbisyong ito.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Pol. Col. Ronald V. Gayo, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, na naglalayong matulungan ang kanyang mga kababayan sa Laoac, Pangasinan na mangangailangan ng dugong pandugtong buhay.
Ulat ni Scarlyn Hermogeno