Blood sugar level dapat bantayan
Kabilang sa dapat bantayan ng isang indibiwal ay ang blood sugar level lalo na ng mga Diabetics.
Ayon sa mga eksperto mula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), hindi lamang mga diabetic’s ang maaaring magkaroon ng mataas na blood sugar level o hyperglycemia, kahit ang mga hindi .
Maaaring mangyari kapag malabis ang pagkin ng matatamis o kaya naman ay hindi kumakain sa tamang oras at hindi rin tama ang dami ng kinakain.
Ilan sa sintomas ng mataas na blood sugar level ay labis na pagkauhaw, sakit ng ulo, hirap magconcentrate, paglabo ng paningin, madalas na pag ihi at madaling makaramdam ng pagkahapo o pagod.
Payo ng eksperto upang makontrol ng tama ang blood sugar level dagdagan ang pag inom ng tubig makatutulong ito upang mailabas ang sobrang asukal sa katawan mula sa dugo sa pamamagitan ng ihi.
Makapagpapababa din ng blood sugar level ang paglalakad ng 30 minuto kada araw Kumain ng mayaman sa protina kayang i-stabilize ng protina ang blood sugar at pabagalin ang tinatawag na absorption rate ng glucose.
Higit sa lahat kontrolin ang stress dahil ito ay makaaapekto sa blood sugar level.
Belle Surara