BNPP, posible pang i-rehabilitate – DOE
Maari pa raw irehabilitate at mapakinabangan ng gobyerno ang Bataan Nuclear Power Plant.
Sagot ito ng Department of Energy sa utos ng pangulo na i-assess kung magagamit pa ang mahigit apatnapung taong BNPP bilang long term solution.
Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza , Jr., inimbita nila ang mga eksperto mula sa Russia at South Korea para tingnan ang BNPP at batay sa kanilang pag-aaral, maari pa itong mapakinabangan.
Mas malaki na rin aniya ang tiyansa ngayon na magkaroon ng Nuclear energy ang bansa.
Batay kasi aniya sa survey na ginawa ng SWS noong 2019, 79 percent ng mga Pinoy ang nagsabing pabor sila na magkaroon ng Nuclear power program para makasabay ang Pilipinas sa mga maunlad na bansa sa buong mundo.
Labinlimang mga lugar na rin na natukoy na maaring pagtayuan ng Nuclear plant.
Ilan dito ay ang:
- Bagac, Bataan
- San juan, Batangas
- Sta. Ana, Cagayan
- Bolongan, Negros occidental
- Puerto princesa, palawan
- Siokon, Zamboanga del norte
Gayunman, malabo na itong masimulan sa ilalim ng Duterte administration.
Kung magkakaroon man ng nuclear power ang bansa posibleng mangyari ito sa 2027 o 2030.
Meanne Corvera