BOC Commissioner Bienvenido Rubio kinalampag para walisin ang tax evaders, smugglers at economic saboteurs sa aduwana.
Kinalampag ng grupong United Filipino Consumers and Commuters o UFCC, si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio sa mismong araw ng kaniyahg kapanganakan, upang aksiyunan na ang talamak na korapsiyon sa aduwana.
Ayon kay Rodolfo Javelana, Jr., national preident ng UFCC, ang problema sa tax evaders, smugglers at economic saboteurs ang nagpapahirap sa gobyerno at publiko, dahil sa hindi nakokolektang buwis.
Naniniwala ang grupo na ang smuggling ang isa sa pangunahing dahilan kaya mataas ang presyo ng mga bilihin, kaya bumibilis ang inflation rate sa bansa.
Bukod sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang BOC ang pangunahing tax collecting agency ng gobyerno, subalit dahil sa korapsiyon ay multi-bilyong piso ang nawawala sa kabang yaman ng pamahalaan.
Vic Somintac