BOC, hinarang ang isang cargo vessel sa Port of Subic na naglululan ng libo-libong sako ng asukal
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang cargo vessel na MV Bangpakaew na nasa Port of Subic.
Sa impormasyon mula sa Office of the Press Secretary, Ang barko na ito ay mula umano sa Thailand at naglalaman ng tinatayang nasa 140 libong sako o katumbas ng 7 libong metriko toneladang asukal.
Ang ibang asukal, naikarga na sa mga truck.
Ang mga nasabing asukal ay classified umano bilang Reserved Sugar Bottlers’ Grade
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang BOC na recycled umano ang dokumento ng nasabing kargamento.
Kaya Kahit may mga naipakitang dokumento iimbistigahan pa rin muna ito ng BOC.
Sa ngayon, bantay sarado ng mga tauhan ng BOC ang nasabing barko na muli nilang ininspeksyon para makita kung may mga nakatago pang kontrabando.
Una rito, nag inspeksyon rin ang BOC sa warehouse sa Pampanga at Bulacan kung saan nakita ang libo libong sako ng asukal na nagkakahalaga ng 220 milyong piso.
Asahan na umano ang pag iikot at inspeksyon ng BOC sa iba’t ibang lugar sa bansa para matukoy kung mayroon ba talagang kakulangan sa suplay ng asukal.
Madelyn Villar – Moratillo