BOC , may paalala sa pagpasok ng gulay sa Pilipinas
Naglabas ngayon ng paalala ang Bureau of Customs – NAIA sa mga biyahero na hindi pwedeng basta magpasok ng anumang gulay gaano man karami sa bansa ng walang Plant Quarantine Clearance kung ito ay for personal use o Sanitary & Phytosanitary Import Clearance o kung for commercial use mula sa Bureau of Plant Industry.
Una rito, may 10 flight attendants ang nahulihang ng sibuyas at prutas habang pabalik sa bansa mula sa biyahe galing sa Dubai at Riyadh.
Pero matapos ang inisyal na imbestigasyon walang permit ang dalang sibuyas at prutas ng mga ito.
Paalala ng BOC, sinumang indibidwal o kumpanya na nais mag-import ng halaman o produkto nito ay dapat mag-aplay ng Plant Quarantine Clearance at Phytosanitary Import Clearance sa National Plant Quarantine services Division ng BPI.
Layon umano nitong maiwasan ang pagkalat ng sakit sa halaman dito sa bansa.
Madelyn Villar- Moratillo