BOC-NAIA, binalaan ang mga pasaherong dumarating sa bansa na may dalang Meat Products na walang permit
Tiniyak ng Bureau of Customs-NAIA ang mas mahigpit na pagbabantay upang masiguro na ang mga dumarating na meat products sa bansa ay ligtas kainin.
Una rito, nitong Enero ng taong ito, nasa 18 kilos ng lamb meat at kabuuang 42.2 kilos ng karne ng baka na walang clearance at dala ng tatlong pasahero mula sa Estados Unidos at Saudi Arabia ang kinumpiska ng BOC.
Binalaan ni BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan ang publiko na hindi sila titigil sa pagkumpiska ng mga imported meat at meat products na walang permit.
Ang mga nakukumpiskang karne at iba pang meat products ng BOC ay itinu-turn over nila sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa disposal.
Ang paghihigpit ng BOC ay upang masiguro na walang karne o iba pang meat products na makakapasok sa bansa na kontaminado ng African Swine Fever at iba pa.
Madz Moratillo