BOC-NAIA, nagsagawa ng training para sa CARES Portal Migration
Bilang bahagi ng commitment ng Bureau of Customs (BOC) na mapagbuti pa at gawing moderno ang mga proseso sa customs, nagsagawa ang Port of NAIA ng CARES Portal Migration webinar para sa lahat ng BOC-NAIA employees at stakeholders.
Ang webinar ay pinangasiwaan ng Management Information Systems and Technology Group (MISTG), na pangunahing tagapagtaguyod ng pagpapahusay sa BOC systems at online processes.
Ang Cares Portal ang papalit sa dating Client Portal na kasalukuyang ginagamit ng BOC stakeholders.
Target ng bagong portal na magkaloob ng mas pulido at mas episyenteng pagproseso ng mga tiket, habang pinananatili ang key features ng dating sistema upang matiyak na magiging pamilyar at magiging mas madali itong gamitin.
Sa pamamagitan ng bagong servers, mas mapabibilis ang oras para sa ticket transfers at pagtugon sa mga katanungan.
Malugod namang tinanggap ni BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan ang pagpapahusay sa BOC Portal.
Aminado si Talusan sa pagtaas ng bilang ng ipino-prosesong mga tiket, dahil na rin sa pagdami ng mga transaksiyon at importasyon.
Ipinahayag din niya ang positibong epektong dala ng Portal upgrade, dahil ipinapakita nito na nagsisimula nang makabawi ang ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.
Ang nabanggit na sistema ay ilulunsad sa November 15, 2021.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan na ang lahat ng stakeholders na magparehistro sa bagong sistema para makaiwas sa mga problema at delays.
Patuloy na sumusuporta ang Port of NAIA sa mga inisyatiba ng BOC sa ilalim ng patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guererro, sa paglikha ng mas mahusay at pinagbuting trade facilitation measures.