BOC, pinatatanggalan ng pondo matapos na malusutan ng illegal drugs

Pinatatanggalan ng pondo ni House Deputy Speaker Miro Quimbo ang Bureau of Customs sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa nalusutan ito ng malaking bulto ng droga na nagkakahalaga ng 6 billion pesos.

Bukod dito, nagalit din ang mga Kongresista dahil sa pagtawag ng tagapagsalita ngBOC na si Mandy Mercado Anderson na “imbecile” kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Sinegundahan din ni House Majority Leader Rodolfo Farinas ang hiling ni Quimbo na bigyan ng zero budget ang BOC.

Magkakaalaman naman sa budget hearing kung tototohanin ito ng mga Kongresista.

Sa pagdinig ng Ways and Means Committee, sinabon nang todo ni Farinas ang tagapagsalita ni Anderson na naglabas ng maanghang na batikos kay Alvarez.

Sa kanyang Facebook post, bukod sa pagtawag na “imbecile” kay Speaker sinabi pa nito na wala na bang ibang kongresista ang pwedeng maging Speaker dahil nakakahiya na ito.

Binantaan ni Farinas si Anderson na pwede nila itong ireklamo sa Office of the Ombudsman dahil ang ginawa nito ay paglabag sa code of ethics.

Giit ng Majority leader, unbecoming ang ginawa ni Anderson lalo pa at opisyal ito ng gobyerno.

Salag naman ng abogado ni Anderson, personal account nito ang ginamit niya sa Facebook post.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *