BOC tiniyak ang mahigpit na pagbabantay para masigurong walang makalulusot na food products na kontaminado ng ASF
Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa borders ng bansa upang matiyak na walang makakalusot na mga karne at iba pang meat products na infected ng African Swine Fever.
Ayon sa BOC, regular silang nakikipag ugnayan sa Department of Agriculture upang masiguro na ang mga nakakapasok na meat products sa bansa ay ligtas.
Salig sa Food Safety Act of 2013, ang mga imported food product ay kailangan dumaan sa cargo inspection at clearance procedures ng DA at DOH.
Nitong nakaraang taon, umabot sa mahigit 98 milyong pisong halaga ng meat products na iligal na ipinasok sa bansa ang nasabat ng BOC.
Madz Moratillo