BOL Plebiscite sa Lanao del Norte sa Feb. 6, pangungunahan ni PNP Chief Oscar Albayalde
Dahil sa bantang guguluhin ni Kumander Bravo at mga tauhan ni Ameril Umbra Kato ng MILF break-away group ang buong Lanao del Norte kung sakaling matalo ang inaasahan nila majority yes vote for BOL sa darating na Miyerkules Pebrero 6, mismong si PNP Director General Oscar Albayalde ang personal na mangangasiwa sa seguridad sa isasagawang plebesito.
Ayon kay Senior Supt. Leopoldo Cabanag, Provincial Director ng PNP- Lanao del Norte, nakakabahala ang mga pahayag ng MILF commander kung sakaling tutol ang mga taga Del Norte, na masakop sa Bangsamoro homeland ang anim na munisipyong hiniingi nila sa pamahalaan base sa nilalaman sa BOL.
Kung sakaling manalo ang yes vote doon, sasakupin ng Bangsamoro ang bayan ng Munai, Nunungan, Pantar, Balo-I, Tagoloan, at Tangcal habang ang 16 na bayan ay maiiwan sa lalawigan.
Kaya mula pa noon ay hindi papayagan ng pamilya Dimaporo na mapasakamay ng Bangsamoro ang alinman sa kanilang bayan, na posibleng pag-ugatan ng mga labanan doon.
Ayon sa PNP Chief, mananatili siya sa lalawigan hanggang matapos ang bilangan sa lugar at misiguro ang kaligtasan ng mga residente sa Lanao del Norte.
Ulat ni Ely Dumaboc