Bonus ng mga empleyado ng gobyerno, matatanggap na simula November 15 ayon sa Malacañang
Matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno sa buong bansa ang kanilang 14th month pay o year end bonus, maging ang kanilang cash gift.
Ang year end bonus ay katumbas ng isang buwang sweldo ng mga empleado ng pamahalaan habang ang cash gift ay limang libong piso.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagpapalabas ng year end bonus at cash gift alinsunod sa budget circular no. 2016-4 ay dapat ibigay nang hindi maaga sa Nobyembre 15 ng kasalukuyan taon.
Samantalang ang 13th month pay at iba pang benepisyo kabilang ang productivity incentives at holiday bonuses ay excempted sa tax kung hindi ito lalagpas ng 90 libong piso batay sa Republic Act 10963 o train law.
Para sa taong ito ng 2018 naglaan ang DBM ng kabuuang 29.7 bilyong pisong pondo para sa year end bonus ng civillian personnel at panibagong 6.5 bilyong piso para sa military at uniformed personnel.
Samantala naglaan din ang DBM ng 5.6 bilyong piso para sa 5 thousand cash gift ng civilian personnel at 1.7 bilyong piso naman para sa cash gift ng military.
Maliban sa mga bonus na ito sinabi ni Diokno na asahan pa ng mga kawani ang matatanggap na productivity enhancement incentive na ipalalabas ng DBM simula Disyembre a kinse.
Ulat ni Vic Somintac