Boodle fight isinagawa sa Manila city hall upang ipakita na ligtas sa ASF ang mga karneng baboy
Upang patunayang ligtas mula sa African Swine Flu ang mga karneng baboy sa Maynila, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno, Agriculture secretary William Dar at SINAG President Rosendo So ang ginawang boodle fight sa Manila City Hall.
Sa dalawang mahabang lamesa sa loob ng Bulwagang Katipunan sa City Hall ay tampok ang lechon sa gitna…mayroon ring mga barbecue, at pork kaldereta…mayroon ding lechon kawali.
Kasama rin sa mga lumahok sa boodle fight ang mga empleyado ng City Hall.
Nagpasalamat naman si DAR kay Mayor Isko dahil sa mga pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan ng Maynila laban sa mga hot meat.
Dahil aniya sa mga ganitong hakbang ng lokal na pamahalaan ay maiiwasan ang pagkalat pa ng ASF.
Tiniyak naman ng alkalde ang patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan at tutulong sila sa pagpromote ng mga locally produced na produkto para matulungan ang mga magsasaka.
Ulat ni Madz Moratillo